^

Bansa

Internet, combat zone na rin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa patuloy na bakbakan sa Marawi

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa Marawi City nagpapatuloy ang labanan ng militar kontra sa mga teroristang Maute-ISIS kundi maging sa Internet din ay patuloy ang nasa mahigit nang isang buwang salpukan ng magkabilang puwersa.

Ito ang inihayag ni Lt. Col Jo-ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Marawi.

 “While the conflict in Marawi City is ongoing, government troops engage the Maute terrorist group in fierce firefights, soldiers are also fighting another battle over the Internet”, pahayag ni Herrera.

Una nang na-monitor ng JTF Marawi ang 63 Facebooks accounts ng ISIS-Maute at kanilang mga sympathizers na ginagamit ng mga ito sa propaganda sa krisis sa lungsod ng Marawi na nag-umpisa pa noong Mayo 23 ng taong ito.

Ang nasabing mga accounts ay hiniling ng AFP sa Facebook na isara na dahilan ipinalalaganap nito ang terorismo.

 Samantalang bunga nito ay pinalakas din ng Army’s 1st Infantry Division (ID) ang Digi­tal Media Enhancement Capability nito upang labanan ang propaganda sa Internet ng teroristang grupo.

 “This is part of the Division’s digital media initiatives to equip our personnel not only for actual combat operations but also enhance our digi­tal capability in facing another kind of battle using Internet technologies for disseminating information online and bring the Division to the community it serves,” pahayag naman ni Brig. Gen. Rolando Bautista, Commander of the 1st Infantry (Tabak) Division at Task Force Marawi.

 Sa pamamagitan ng nasabing sistema ay mahaharang umano ang pagpapakalat ng mga negatibo at maling impormasyon sa social media networks Maute-ISIS group.

  Muli rin namang hinikayat ng opisyal ang mamamayan na sumuporta sa AFP sa giyera kontra terorismo para sa kapayapaan ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with