^

Bansa

OFW hulog sa gusali, patay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang overseas Filipino worker ang nasawi matapos na mahulog mula sa ika-tatlong palapag ng mataas na gusali sa Sharjah, United Arab Emirates (UAE).

Sa ulat ng Khalej Times at Gulf News, nakilala ang OFW na si Freddie Rosario, 44-anyos, na idineklarang dead-on-arrival sa Al Kuwaiti Hospital.

Natagpuan ang katawan ni Rosario sa ibaba ng gusali at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Mabilis na nagresponde ang pulisya at ambulansya sa lugar nang makatanggap ng tawag kaugnay sa insidente.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Sharjah Police upang mabatid kung nag-suicide ang Pinoy o sinadyang itulak sa gusali.

Wala pang kumpirmasyon ang Department of Foreign Affairs sa pagkasawi ng nasabing OFW.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with