^

Bansa

Palasyo nababahala sa pag-atake ng NPA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Palasyo nababahala sa pag-atake ng NPA

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, ang ginagawang karahasan ng NPA ay nagdudulot ng pagdududa sa publiko kung karapat-dapat pang ipagpatuloy ang usapang pangkapa­yapaan. AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines - Nababahala na ang Malacañang sa magkakasunod na pag-atake ng New People’s Army sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, ang ginagawang karahasan ng NPA ay nagdudulot ng pagdududa sa publiko kung karapat-dapat pang ipagpatuloy ang usapang pangkapa­yapaan.

“We are disturbed by the recent NPA attacks considering that their leaders in Europe issued a statement condemning the incident in Marawi, even offering to refrain from undertaking offensive operations in Mindanao to enable our government forces to deal with focus on the rebellion still happening,” pahayag ni Abella.

Iginiit ni Abella na ang mga ganitong NPA attacks ay sagabal, nakakasira at nagpapagulo sa magandang sitwasyon sa pagpapatuloy ng pag-uusap tungo sa hangarin ng kapayapaan.

Sa ngayon ay hinihintay nila ang “validation” sa mga nakaraang insidente ng pag-atake saka magpapalabas ng kinakailangang hakbang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with