^

Bansa

Pagkapatay sa Malaysian financier ng Maute inaalam na - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagkapatay sa Malaysian financier ng Maute inaalam na - Malacañang

Nagbagsak ng bomba (kanan) ang isang Philippine Air Force attack plane sa target na posisyon ng Maute sa Marawi. Kita naman ang makapal na usok na nilikha ng naturang aerial bombing sa nagpapatuloy na bakbakan ng gov’t troops at terro­rist group. AFP

MANILA, Philippines - Bineberipika pa ng militar ang intelligence report na namatay na ang Malaysian national na nagbigay ng tulong pinansiyal sa rebelyon sa Marawi City sa pangu­nguna ng Maute group.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, tinitingnan pa ng militar ang ulat na namatay na si Mahmud bin Ahmad mula sa mga tinamong sugat sa mga unang araw ng kaguluhan sa Marawi.

“The military is validating the intelligence report that Mahmud bin Ahmad, a Malaysian national who helped finance the rebellion in Marawi, died from wounds he sustained during the early days of the Marawi rebellion,” sabi ni Abella.

Inihayag pa ni Abella na nakarating na sa kanila ang impormasyon na tini­tingnan ng militar ang lugar kung saan inilibing umano ang mga labi ni Ahmad.

Saka pa lamang umano makukumpirma kung patay na talaga ang Malaysian national kapag nakita na ang bangkay nito.

“We have been told that the military has information of the spot where he was buried and government troops are now trying to locate it and recover the remains.  Once done, only then can we make an official confirmation,” ani Abella.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with