^

Bansa

89 foreign terrorists nasa Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
89 foreign terrorists nasa Mindanao

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command, Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., na mayorya sa mga dayuhang terorista ay namonitor na kasamang nakikipagsagupa at kasapi ng ISIS-Maute. File

MANILA, Philippines - Hindi lang 40 kundi tinatayang 89 dayuhang terorista umano ang nasa Mindanao kabilang ang 28 Indonesians, 26 Pakistani, 21 Malaysians, 4 Arabs, 1 Indian-Singaporean at tatlong Bangladeshi.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command, Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., na mayorya sa mga dayuhang terorista ay namonitor na kasamang nakikipagsagupa at kasapi ng ISIS-Maute.

Una rito, ibinulgar ni Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu na mahigit 1,000 ISIS operatives ang nasa Pilipinas at 20 dito ay mga teroristang Indonesian.

Sa nasabing bilang ay kasama na ang mga kaalyadong lokal na tero­rista ng ISIS tulad ng Maute terror group, Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Nabatid pa kay Galvez na base sa pahayag ng tropa ng mga sundalo sa combat zones, na 15 snipers na kanilang nakabakbakan sa Marawi ay foreign terrorists.

Kasabay nito, iniulat din ni Galvez na dalawang bangkay ng dayuhang terorista na nagsisimula ng maagnas ang narekober ng security forces sa lungsod ng Marawi nitong Biyernes habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo.

Sa pagkakarekober sa dalawa pang bangkay ay nasa 10 foreign jihadists na ang kanilang napapaslang sa Marawi, wika ng AFP official.

Samantala, nasa 289 Maute na ang napatay sa bakbakan, 69 security forces at 26 mga sibilyan habang 60 istraktura naman ang nabawi ng tropang gobyerno sa war zone.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with