^

Bansa

Profiling ng mga bakwit giit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para hindi na makahalo pa sa mga bakwit ang mga miyembro ng Maute, iminumungkahi ng isang kongresista ang profiling ng mga evacuees sa Marawi.

Sinabi ni House Defense Committee Senior Vice chairman Ruffy Biazon na dapat mas higpitan pa ang pagsala sa Marawi evacuees.

Ito ay kasunod ng mga ulat na inaabandona na ng Maute fighters ang kanilang posisyon sa lugar ng labanan at humahalo sa mga sibilyang residente ng lungsod.

Giit pa ni Biazon na dapat may sistema ang gobyerno para sa screening ng mga evacuees upang hindi malusutan ng mga terorista.

Para sa kongresista, dito dapat pumasok ang PNP dahil expertise nito ang mag-screen ng mga sibilyan.

Kailangan umanong maisailalim sa profilling at interview ang bawat evacuee bago ito ituring ng pamahalaan na lehitimong bakwit.

Bukod dito, isa rin umano sa maaring gawin ay ang isalang sa paraffin test ang mga kahina-hinalang evacuees upang matukoy kung nagpaputok sila ng baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with