40 foreign terrorists nasa Pinas
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 40 foreign terrorists ang nakapasok sa Pilipinas na dumaan sa backdoor, airports at seaports.
Ayon kay Gen. Gilbert Gapay, deputy commander ng Eastern Mindanao Command, mismong si AFP chief of staff Gen. Eduardo Año ang nagkumpirma na 40 foreign terrorists ang nakapasok sa bansa.
Ayon kay Gapay, karamihan sa foreign terrorists na ito ay mga Malaysian, Indonesian, Arabs at Pakistani. Katunayan ay 8 foreign terrorists na tumutulong sa Maute group sa paglusob sa Marawi ang napatay ng militar.
Nanawagan naman ang Palasyo at AFP sa taumbayan na magkaisa upang labanan ang banta ng terorismo sa gitna ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
“We are defending the Filipino way of life. It’s high time that we build up on family, higher values, go back to the fact that we are defending the Filipino way of life,” wika ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Sinabi pa ni Abella sa mga kritiko ng Martial Law, ‘grow up, we are not one other’s enemy’ kaya dapat magtulungan tayo upang labanan ang terorismo.
Sinabi rin ni Abella na pagkakalooban ng pabahay ng gobyerno at libreng edukasyon mula K to 12 hanggang kolehiyo ang 2 sa mga anak ng nasawing sundalo at pulis sa pakikipaglaban sa Maute sa Marawi City.
- Latest