^

Bansa

Omar Maute posibleng patay na - AFP

Pilipino Star Ngayon
Omar Maute posibleng patay na - AFP

Ayon kay Joint Task Force (JTF) Marawi Spokesman Col. Jo-ar Herrera,  may malalakas na palatandaan at bukod dito ay may mga intelligence report rin silang natatanggap na patay na si Omar Maute. File

 

MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patay na si Omar Maute, isa sa magkapatid na lider ng Maute-ISIS na namuno sa Marawi siege.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) Marawi Spokesman Col. Jo-ar Herrera,  may malalakas na palatandaan at bukod dito ay may mga intelligence report rin silang natatanggap na patay na si Omar Maute.

“There is a strong indication that Omar was killed but we are still validating,” pahayag ni  Herrera.

Si Omar at kapatid nitong si Abdullah Maute ay may patong sa ulong tig-P5M para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kapalit ng ikaaresto nito buhay man o patay.

Ang magkapatid kasama ang emir ng ISIS na si Isnilon Hapilon ay may reward namang $5M at P10M bukod pa sa unang P7.4M na inilaan ng pamahalaan.

Aminado naman ang opisyal  na ang sinasabing pagkamatay ni Maute ay kanilang nabatid base sa intelligence report nitong nakaraang linggo pero kailangan pang makuha ang bangkay nito bilang pruweba sa combat zone area.

Iginiit din nito na nag-iingat sa kanilang pagkilos ang tropang gobyerno dahil maraming Improvised Explosive Device (IED) bukod pa sa natitirang mga sniper na nakaposte sa mga gusali at mosque.

Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, na bagaman napapaulat na napaslang na si Omar ay hindi ito makukumpirma hanggang hindi narerekober ang bangkay at naisasalang sa pagsusuri.

Sakaling mapatuna­yang napaslang sa air strike at ground assault operation si Omar ay isa itong malaking dagok sa hanay ng teroristang grupo.

Posibleng ang kapatid ni Omar na si Abdullah ang namumuno na ngayon sa pakikipaglaban sa military sa Marawi City, ayon pa kay Herrera.

Sinabi rin ni AFP chief Gen. Eduardo Año sa mga reporters sa Maynila ang katulad na impormasyon tungkol kay Omar.

“Hapilon is still inside (Marawi), kaya nga si­guro defying ‘yung mga members nito, because Hapilon is still alive. But si Omar Maute, more or less mukhang patay na talaga itong si Omar Maute. Abdullah is still alive, still there, still inside Marawi,” wika pa ni Año.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with