^

Bansa

Mag-donate ng bato hikayat ng NKTI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  “Be a Hero, be a kidney donor.”

Ito ang panawagan ni Dr. Rosemarie Liquete, executive director ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa publiko upang matulungan at madugtungan ang buhay ng isang taong may kidney failure.

Sinabi ni Liquete na sa 28,000 pasyente na may kidney failure kada taon, umaabot lamang sa 500 pasyente rito ang naisasailalim sa kidney transplant at ang 18,000 ay sumasailalim na lamang sa dialy­sis kada taon dahil sa kawalan ng kidney donor. Pinakamabisa anyang gamutan sa may kidney failure ay kidney transplant.

Hinikayat din ni Liquete ang mga pamilya na may mga kaanak na ‘brain dead’ na kung maaari ay i-donate na lamang ang kidney ng kaanak upang makatulong sa mga taong may kidney failure.

“Yung mga dinadala sa emergency hospital na biktima ng aksidente, healthy pa ang gumagana pa ang kanilang kidney kaya yun ang isa sa mga best donor na maaaring magbigay ng kidney,” ani Liquete. 

Kahapon ng umaga nang buksan sa NKTI ang Regalo Organ Donation Advocacy, sinabi ni advocacy organizing committee head Dr. Romina Danguilan na hindi naman lahat ay maaaring maging kidney donor. Kailangan ang isang donor ay walang sakit, walang hypertension at walang diabetes.

Kailangan lamang aniya na maging healthy ang ating kidney kung mayroon tayong healthy lifestyle, regular check up ng urinalysis at BP, fasting blood sugar at exercise.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with