^

Bansa

6 BIFF, 1 CAFGU patay sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isang CAFGU Active Auxiliary (CAA) ang napaslang habang sampu pa ang nasugatan kabilang ang walo pa sa mga kalaban matapos makasagupa ng tropa ng militar ang mga bandido na umatake kamakalawa sa Pigcawayan, North Cotabato.

Sinabi ni Captain Nap Alcarioto, Spokesman ng Army’s 602nd Infantry Brigade (IB), ang napatay na CAFGU ay nakilalang si CAA Abraham Cutay.  Si Cutay, 31-anyos ay isang CAFGU trainee.

Ang dalawang nasugatan ay kinilalang sina CAA’s Resty Segundera at Angel Verona ay mabilis namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Ayon sa opisyal, napigilan ang planong pagtake-over ng BIFF members sa CAFGU detachment at BPAT outpost sa mabilis na pagresponde ng tropang gobyerno sa lugar. 

Sa kasagsagan ng bakbakan na umabot ng halos 12 oras ay anim na BIFF members ang napatay at walo naman ang sugatang nakatakas. Tinataya namang 200-300 BIFF members ang naghasik ng karahasan sa lugar.

Samantalang isa ring sibilyan na nakilalang si Towan Esmael, 61-anyos na magsasaka ang nasawi mata-       pos na magpaulan ng bala ang mga armadong BIFF.

Naitala naman sa 1,370 evacuees ang nagsilikas mula sa Brgy. Malagkitan, Simsiman, Banucagon at Central Tanasan; pawang sa bayan ng Pigcawayan sa takot na maipit sa bakbakan na ngayo’y kinakanlong sa Pigcawayan National High School. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with