^

Bansa

Martial Law malabong ma-extend

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi pa sigurado kung mapapalawig ng Kongreso ang pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, Senior vice-chairman ng House Defense Committee, ito ay kahit pa maigting pa rin ang bakbakan ng mga sundalo sa Marawi City na sinabayan pa ng panggugulo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Cotabato.

Idinagdag pa ni Biazon na kailangang magkaroon ng evaluation kung gaano kalawak na Martial Law powers ang nagamit sa unang 30-araw ng pagpapairal nito sa Mindanao.

Subalit kung lalabas umano na maliit lamang ang kinakailangang ML powers ay ordinaryong military action na lamang ang dapat na tuloy-tuloy na pakawalan ng gobyerno laban sa mga armadong grupo at terorista sa rehiyon.

Sa tingin pa ng kongresista, sa ganitong sitwasyon ay walang pangangailangan para sa ekstensyon ng pagpapatupad ng Batas Militar.

Base sa Konstitusyon, ang pagpapalawig ng batas militar ay nararapat na idaan sa kongreso para paaprubahan.

Una ng sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na pabor siyang patagalin ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with