^

Bansa

P5M multa sa fake news

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isinusulong na sa Senado ang panukalang patawan ng multang P100,000 hanggang P5 milyon at pagkabilanggo ng mula isa hanggang limang taon ang mga nagpapakalat ng fake news.

Sa panukala ni Sen. Joel Villanueva, panahon na para magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga nagpapakalat ng mga fake news kung saan mas mabigat o doble ang ipapataw na multa at parusa kung ang sangkot ay mga opisyal o empleyado ng gobyerno.

Maging ang mga tumulong lang o nanghikayat na magpakalat ng mga pekeng balita ay papatawan din ng multang mula P50,000 hanggang P3 mil­yon at pagkabilanggo ng mula anim na buwan hanggang tatlong taon.

Maging ang mass media enterprise o social media platform na tumangging tanggalin ang isang pekeng balita ay pagmumultahin naman ng mula P10 milyon hanggang P20 milyon at pagkabilanggo ng mula 10 hanggang 20 taon.

Dagdag ni Villanueva, dapat lamang magkaroon ng batas na magiging daan para mahinto ang mga fake news.

Dapat din aniyang magkaroon ng mataas na moral ang mga opisyal ng gobyerno at hindi makisali sa mga nagpapakalat ng mga pekeng balita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with