Paglilimita sa mga paputok pirmado na ni Digong
MANILA, Philippines – Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na naglilimita sa paggamit ng mga paputok upang mabawasan ang aksidenteng maaaring idulot nito.
Sa bisa ng EO 28, maaari na lamang gumamit ng firecrackers o pyrotechnic devices kapag may ipinagdiriwang ang isang komunidad.
“To minimize the risk of injuries and casualties, the use of firecrackers shall henceforth be confined to community fireworks displays,” saad ng kautusan.
Ang pagpapaputok ay maaari na lamang gawin sa araw mismo ng ipinagdiriwang ng isang lungsod. Hindi gaya ng dati, bawal na rin ngayon ang magpaputok sa harap ng bahay.
“It is conducted on the occasion or as part of a celebration competition, or similar event held in a venue other than a place of residence,” dagdag nito.
READ: Executive order regulating the use of firecrackers and other pyrotechnic devices. pic.twitter.com/es5k28Fnjg
— The Philippine Star (@PhilippineStar) June 21, 2017
Maari lamang gumamit ng paputok kapag may kasamang indibidwal na lisensyado ng Philippine National Police.
Samantala, hindi rin basta-basta makapagpapaputok ang publiko dahil kinakailangang naaayon sa batas ang paggamit ng mga pyrotechnic device.
Kinakailangang ding humingi ng permit mula sa lokal na pamahalaan ang sinumang gustong magpaputok.
Inatasan naman ang Director General ng PNP na maglabas ng listahan ng mga ipinagbabawal na mga paputok.
Saklaw din sa tungkulin ng mga pulis ang pagsusuri ng mga ito.
- Latest