PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aabot sa P250M halaga ng shabu nakuha sa Marawi

MANILA, Philippines — Umabot sa 11 kilo ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa isinagawang clearing operation sa lungsod ng Marawi.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, aabot sa P100 milyon hanggang P250 milyon ang halaga ng “high-grade” shabu.

"According to research, shabu prices ranges from P1,300 per gram wholesale up to P25,000 per gram on the streets. If the price will be pegged at mid-level range of P10,000 the amount of 11 kilograms is P110 million which put the estimated street value for high-grade shabu between P100 million to P250 million," pahayag ni AFP 1st Infantry Division spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera ngayong Lunes.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng ilegal na droga ang mga awtoridad sa pinagkukutaan ng mga miyembro ng Maute group at Abu Sayyaf ngunit ngayon ang pinakamarami.

"This strengthens our findings that these terrorists are using illegal drugs," dagdag ni Herrera.

Bukod sa ilegal na droga, nakakuha rin ang mga sundalo ng matataas na kalibre ng mga armas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"Last Saturday, our troops on ground zero were able to seize a sizable arms cache from the area of operation and the number of firearms numbering more than 20, if I recall, and these are not ordinary firearms but high-powered firearms," wika naman ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.

Hindi pa rin tapos ang kaguluhan sa Marawi na halos mag-iisang buwan na. Dahil sa pag-atake ng mga armadong grupo ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao sa martial law.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: