PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

London fire: Pinay senior citizen pinaghahahanap pa rin

Si Ligaya Moore na lamang ang Pilipinong pinaghahahanap ng mga awtoridad sa London matapos masunog ang Grenfell Tower. Facebook/Philippine Embassy in the United Kingdom

MANILA, Philippines – Pinaghahahanap pa rin ng embahada ng Pilipinas sa London ang isang Pinay senior citizen na residente ng nasunog na Grenfell Tower sa London.

Nakilala ang matandang babae na si Ligaya Moore na nananatiling nasa “unaccounted for” ng embahada.

Si Moore na lamang ang Pinoy na hindi pa nahahanap ng mga awtoridad.

BASAHINPinoys sugatan sa London Tower fire

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa mga ulat, residente ng ika-21 palapag ng Grenfell Tower ang 79-anyos na si Moore.

Nasa 17 katao na ang naitalang nasawi sa insidente ngunit pinangangambahan ng mga awtoridad na lumobo ito sa 100.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: