PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

DOT iniwan ang McCann dahil sa kontrobersyal na ‘Sights’ video

MANILA, Philippines – Pormal nang kinansela ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nila sa isang ad agency matapos maging kontrobersyal ang promotional video na ‘Sights.’

Sa isang press statement, kinumpirma ng DOT na pinutol na nila ang ugnayan sa McCann Worldgroup Philippines

“The Department of Tourism has decided to discontinue its partnership with McCann World Philippines,” pahayag ni DOT Asec. Ricky Algere.

Giit ni Alegre na dapat magbigay ng public apology ang ad agency dahil sa naging negatibong epekto nito sa  kanilang departamento.

BASAHINVideo ng DOT na ‘Experience the Philippines’ kinopya?

“In the midst of the controversy the Department of Tourism expects a public apology from McCann over the negative feedback that the department has been receiving,” dagdag ni Alegre.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Binatkos ang tourism ad na gawa ng McCann matapos mapansin ng netizens ang pagkakahawig nito sa isang video campaign ng South Africa noong 2014.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ang pagkakapareho at pinaliwanang na ang naturang video ay hango sa tunay na buhay ng isang Japanese retiree na si M. Uchimura.

Giit ng McCann walang nangyaring pangongopya sa paggawa ng tourism ad.

“We underscore that there has never been any intention to copy others’ creative work,” pahayag ng ad agency.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: