PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte nagpapahinga lamang – Abella

Dati nang pinabulaan ni Special Assistant to the President Christopher Go na nagpunta sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China upang magpagamot. AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines – “The president is well.”

Ito ang naging pahayag ng Malacañang sa gitna ng espekulasyon sa tunay na lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kailangan lamang umano ng pangulo ng sapat na pahinga.

“He’s taking some time off to rejuvenate. The president needs [rest]. You have to consider that he has been on the road for at least 23 days regarding fulfilling his martial law supervisions. It has been really brutal so we have to allow him this kind of rest,” wika ni Abella sa isang pulong balitaan ngayong Huwebes.

Matatandaan na hindi nakadalo si Duterte noong Independence Day rites sa Luneta kung saan humalili si Bise Presidente Leni Robredo para pangunahan ang flag raising at wreath laying ceremony sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Giit naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ay wala naman dapat ikabahala ang publiko.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Nothing to worry about. But it’s better for him to rest,” pahayag ni Cayetano.

Paliwanag ni Cayetano ay “puyat at pagod” lamang daw ang pangulo dahil sa pagaasikaso sa gulo sa Marawi.

Dahil dito ay nakakita muli ng pagkakataon ang isa sa kaniyang mga kritikon si Sen. Antonio Trillanes upang batikusin siya.

“Dito mo makikita na wala siyang pakialam, wala siyang halagang binibigay dito sa very important event sa kasaysayan ng ating bansa. Ano ba naman ‘yung bumangon ka ng maaga?” sabi ni Trillanes.

“Walang kadisi-disiplina sa katawan itong mama na to e. I’m very very frustrated and disappointed na siya ‘yung presidente natin,” dagdag niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: