^

Bansa

Martial law sa Mindanao OK sa 15 senador

Pilipino Star Ngayon
Martial law sa Mindanao OK sa 15 senador

MANILA, Philippines — Karamihan ng mga senador ang nagpahayag ng kanilang suporta sa martial law sa Mindanao kasunod ng panggugulo ng Maute group.

Labing-lima mula sa 23 senador ang lumagda sa Senate Resolution 388 na sumusuporta sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anila wala silang nakikitang dahilan upang harangin ito at ang kaakibat na pagsususpinde ng writ of habeas corpus.

Ang mga sumusunod na senador ay sina:

Sonny Angara
Nancy Binay
JV Ejercito
Sherwin Gatchalian
Richard Gordon
Gringo Honasan
Panfilo Lacson
Loren Legarda
Manny Pacquiao
Aquilino Pimentel III
Ralph Recto
Tito Sotto
Joel Villanueva
Cynthia Villar
Migz Zubiri

Pinagbasehan ng mga senador ang Section 18, Article VII ng 1987 Constitution kung saan hinahayaan ang martial law kung mayroon pananakop o rebelyon at kung kinakailangan ito upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nitong nakaraang linggo ay isinailalim ni Duterte ang Mindanao sa martial law habang nasa state visit sa Russia.

Samantala, limang senador mula sa minorya ang nagpatawag ng joint Congressional session upang pag-usapan ang martial law sa Mindanao.

Ito ay sina Senators Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at Bam Aquino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with