^

Bansa

Planong ‘total inferno’ sa Marawi City nasilat –AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Planong �total inferno� sa Marawi City nasilat �AFP

Patuloy ang opensiba ng tropang militar ng gobyerno laban sa mga teroristang Maute-ISIS group. Kuha ng AP

Ikakasa sana sa araw ng Ramadan

MANILA, Philippines - Nabulilyaso umano ng tropa ng militar ang plano ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) terror group na sunugin ang buong lungsod ng Marawi sa paggunita ng Ramadan .

Ito ang nabatid kahapon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año matapos maglunsad ng malawakang pag-atake ang Maute–ISIS terror group sa lungsod ng Marawi City noong nakalipas na Mayo 23 sa pangunguna ni Abu Sayyaf Commander Isnilon Hapilon at ng mga lider ng Maute gayundin ang mga dayuhang teroristang Jihadist.

“The Maute-ISIS Group planned to set ablaze the entire City of Marawi within the time of the month of Ra­madan,” ani Año. 

Ayon naman kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na ang nasabing impormasyon ay kanilang nadiskubre sa isang reliable source habang patuloy ang clearing operations sa lungsod.

Una nang inihayag ng mga opisyal ng militar na ang siege sa Marawi City ay matapos na tangkain ng tropa ng pamahalaan na arestuhin si Hapilon  pero nabigo ito matapos na maglunsad ng serye ng mga paglusob ang nasabing nagsanib puwersang mga teroristang grupo. Sa kasalukuyan, nasa 61 na ang napapatay na Maute-ISIS terror group habang marami pa ang nasugatan kung saan 42 dito ay narekober ang mga bangkay habang 19 naman ay base sa pahayag ng mga testigo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with