Martial Law sa Mindanao aprub sa mayorya ng Senado
MANILA, Philippines - Siniguro ni Senator Cyntia Villar na suportado ng mayorya ng 23 senador ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
Labing anim umanong senador ang dumalo sa meeting na pinangunahan ni Senate President Aqulino “Koko” Pimentel III.
Tanging si Senator Francis “Chiz” Escudero lamang sa mga miyembro ng mayorya ang hindi nakadalo sa nabanggit ng meeting.
Nagsagawa rin kahapon ng closed door briefing ang mga senador at mga security officials ng bansa tungkol sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Kabilang sa mga nagbigay ng briefing sa mga senador sina National Security Adviser Hermogenes C. Esperon Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana as Martial Law administrator, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año.
- Latest