^

Bansa

67 OFWs minaltrato sa UAE nakauwi na - DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakauwi na sa bansa ang 67 overseas Filipino workers (OFW) na nagipit at minaltrato ng kanilang mga amo sa United Arab Emirates (UAE), ayon Department of Foreign Affairs kahapon.

Ayon sa DFA,  23 OFWs ang napauwi ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi sa kani-kanilang tahanan nitong Mayo 11 at 44 pa noong Mayo 23.

Ang pagsasaayos ng mga dokumento sa repatriation ng 67 Pinoy ay inayos ng Embahada na siyang nagsagawa rin ng representasyon sa immigration authorities sa Abu Dhabi para sa pagpapalabas ng clearance at exit pass ng mga OFWs.

Nabatid na karamihan sa mga Pinoy na nakauwi ay nagtrabaho sa UAE bilang mga household service workers na nabiktima ng human trafficking at illegal recruitment. Tumakas umano sila sa kanilang mga employer dahil sa pagmamaltrato, pang-aabuso at hindi pagpapasuweldo.

Ang mga OFWs ay umalis sa Pilipinas at nakapasok sa UAE sa pamamagitan ng mga pangunahing paliparan habang ang iba ay dumaan sa mga seaports o pantalan sa Mindanao at nagpanggap na mga turista na dumaan din sa mga kalapit na bansa bago dumating sa UAE.

Sinabi ng mga OFWs na ilan sa kanila ay na-recruit din sa pamamagitan ng social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with