^

Bansa

Ruling ng SC sa Martial Law igagalang - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na rerespetuhin ni Pangulong Duterte ang anumang maging ‘ruling’ ng Korte Suprema kaugnay sa pagdedeklara nito ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang plano si Pangulong Duterte na suwayin ang Supreme Court sa magiging desisyon nito kaugnay sa Martial Law.

“What the President is actually saying is that the one that has accurate information, regarding the activities on the ground, on the ground, are those that he have --- he has already said he will trust,” sabi ni Abella.

Aniya, ang binigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa mga sundalo sa Jolo, Sulu noong Sabado ay makikinig lamang siya sa magiging rekomendasyon ng military at police kaugnay sa sitwasyon sa Mindanao.

“Hindi ako makinig sa iba. Mga Supreme Court, ‘yung mga congressman, wala man sila dito. Ba’t sila ba ang nagpapakamatay? Sila ba ang naghihirap dito? Sila ba ‘yung... They will suffer the wounds of war,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa harap ng mga sundalo noong Sabado sa Jolo, Sulu.

Isinimute rin ng Malacañang sa Kongreso ang 7-page official report na naging batayan ni Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao dahil na rin sa hinasik na tero­rismo ng Maute group kasama ang Abu Sayyaf sa Marawi City.

Nakahanda naman ang Office of the Solicitor General na ipagtanggol si Pangulong Duterte sa Korte Suprema sa sinumang maghahain ng pagkontra sa idineklarang Martial Law sa Min­danao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with