Elite forces ng PNP inalerto ni Bato
Idedeploy sa Marawi
MANILA, Philippines - Inalerto na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald dela Rosa ang lahat ng elite safety forces ng kapulisan sa buong bansa para sa posibleng augmentation sa tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa Maute-ISIS sa Marawi City
Sinabi ni dela Rosa na bagaman may sapat na tropa na tumutugis sa grupo ni Abu commander Isnilon Hapilon na nakipagsanib puwersa sa ISIS at Maute terrorist ay kaniyang pinaghahanda ang PNP public safety o elite forces para tiyakin ang kahandaan ng mga ito kung kinakailangan pa ng karagdagang tropa para isabak sa mga terorista.
“I just advised all the regions in the whole of the Philippines to prepare their public safety forces to reinforce Marawi when needed. So right now, they are preparing, waiting for my instructions to reinforce Marawi,” pahayag ni dela Rosa.
Kabilang sa Public Safety Forces ay mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Police Regional Office (PRO)-10 at PRO-12 at maging ang Special Action Force (SAF) battalions na nag-o-operate sa Marawi City katuwang ang tropa ng AFP.
Sa kasalukuyan, nasa apat na pulis ang nasawi sa bakbakan.
- Latest