Ex-CA Justice Mabutas, yumao
MANILA, Philippines - Pumanaw na ang nagretirong si Court of Appeals (CA) Justice Ramon Mabutas, Jr. sa edad na 85 matapos ang dalawang buwang pagkaka-confine sa Manila Doctors Hospital sa Manila nitong Huwebes.
Si Justice Mabutas ay kinilala at nag-iwan ng magandag rekord sa hudikatura nang maging trial judge noong 1980s.
Nagsilbi si Justice Mabutas sa gobyerno bilang technical assistant sa Senado. At pagkaraan ay bilang assistant city fiscal sa Manila hanggang sa ma-appoint na trial court judge at nagsilbi ng hanggang 21 taon at naging associate justice ng Court of Appeals sa loob ng walong taon.
Nauna rito, isa si Mabutas sa mga veteran journalist bago naabot ang mataas na posisyon sa CA.
Ang mga labi ni Justice Mabutas ay nakahimlay sa Hall B Chapel ng Arlington Memorial Chapels and Crematorium sa may Araneta Ave, Quezon City. Ang libing ay itinakda sa Mayo 30, 2017.
- Latest