^

Bansa

Aquaculture industry maisusulong na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa nakatakdang pagpasa ng Senado sa ikatlong pagdinig sa 14 bills na magtatatag ng multi-species marine hatcheries, sinabi ni Sen. Cynthia Villar na maisusulong na ang aquaculture sa ilang lalawigan sa bansa.

Matapos makapasa sa second reading noong nakaraang linggo, pagbobotohan ng Senado sa third reading ang 14 bills sa pagtatag ng mga marine hatcheries.

Sinabi ni Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food at principal sponsor ng mga panukalang batas na makatutulong ang marine hatcheries sa paglago at pagsulong ng sektor ng pangingisda at allied industries sa mga siyudad at munisipalidad.

Sa ilalim ng bills, magtatayo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng hatcheries. Sa loob ng dalawang taon, ililipat ang pangangasiwa sa local government na sangkot sa pagpapatupad ng pagsasanay at phasing-in program. 

Iginiit rin ni Villar na may aquaculture production na mahigit $1.58 billion ang Pilipinas na ika-anim sa pinakamalaking fish producer sa mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with