^

Bansa

MMDA lilinisin ang mga lansangan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa parating na pasukan

MANILA, Philippines - Muling ikakasa ng  Me­tropolitan Development Authority (MMDA) ang kam­panya nito kontra illegal vendors at illegal parking sa mga kalsada lalo na sa bisinidad ng mga paaralan habang papa-lapit ang pasukan nga-yong darating na Hunyo 5.

Sinabi ni Sidewalk Clearing Operations Group head Francis Martinez na sa kabila ng operasyon nila kontra sa mga illegal vendors at terminals sa Baclaran, Balintawak at iba pang lugar na sakit ng ulo ng pamahalaan, magtatalaga pa rin sila ng sapat na tauhan para paluwagin ang mga kalsada sa bisinidad ng mga paaralan.

Ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang mga sidewalk vendors sa bisinidad ng mga paaralan na suportado ng MMDA at may otoridad para sa pagtataboy sa mga tindero na target ang mga batang mag-aaral.

Bukod dito, muling mag-uumpisa ang laban ng MMDA sa mga illegal parking lalo na sa mga pangmayamang paaralan.  Tinukoy ng ahensya ang De La Salle-Greenhills at Poveda College sa Mandaluyong City at Ateneo de Manila University sa Katipunan Ave. sa Quezon City.

Ayon kay Martinez, karaniwan na problema nila ang mga kotseng susundo sa mga mag-aaral na sa malapit sa naturang mga paaralan ipinaparada ang mga sasakyan at sinasakop ang ilang lanes ng kalsada na nagdudulot ng pag-iimbudo ng daloy ng trapiko. 

Itataboy umano ng kanilang traffic enforcers ang mga nagbababad sa kalsada habang nakiusap si Martinez sa mga opisyal ng pamahalaan na maging sila ay sumunod rin sa batas trapiko. 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with