^

Bansa

MARINA administrator, et al kakasuhan sa Ombudsman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasampahan ngayong araw ng kaso sa Office of the Ombudsman si Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Al Amaro at mga dating opisyal ng MARINA dahil sa umano’y pag-apruba ng isang memorandum circular.

Nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y maanomal­yang pag-apruba ng mga nabanggit ng MARINA Circular (MC) 2015-04, o ang Rules and Regulations para ipatupad ang EO 909 ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Sa nasabing EO, hinihikayat nito ang mga ship owners at operator na gumawa ng mga barko na naaayon sa standards ng Association of Classification Societies (IACS) bilang brand new o bagong gawa na akma sa ating klima at sea conditions ng kapuluan.

Kaakibat nito ang mga probisyong maging isang pang-transport na may improve quality of services; pag-grant ng “Pioneer Status” sa kapakinabangan ng mga mananakay; mga incentives; ang pag-isyu ng Issuance of Certificate of Public Convenience (CPC); proteksyon sa ruta; provision for special ramp/berth facility; at exemption sa Value-Added-Tax (VAT) at Import Duties and Taxes. Kalakip ng EO ni Pangulong Arroyo ang MC 2015-04 na nagtatakda ng mga implementing rules and regulations ng nasabing EO.

Ibinunyag ni United Filipino Seafarers President Engr. Nelson P. Ramirez na tatlong shipping company ang ginawaran ng MC 2015-04 at binigyan ng “Pioneer Status” na naganap noong September 7, 2015 o sa 236th Regular Meeting ng MARINA Board.

Binigyang diin ni Ramirez na paglabag sa Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority at Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service at malinaw ding paglabag sa Republic Act 3019 or Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang ginawang paggawad ng MARINA ng “Pioneer Status” sa tatlong shipping company dahil hindi na nila ito responsibilidad.

Si Amaro ay kabilang sa charge sheet ng complaint dahil siya umano ang pasimuno ng paglagda ng nasabing memorandum circular na nagbigay ng “Pioneer Status” sa tatlong inaprubahang shipping companies.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with