^

Bansa

Ika-3 sunod na oil price hike nakaamba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ika-3 sunod na oil price hike nakaamba

Sa kabila ng inaasahang bagong pagtataas, sinabi ng DOE na mas mababa pa rin ang halaga ng gasolina ng P.59 kada litro, diesel ng P.15 kada litro at kerosene ng P.76 kada litro ngayong taon kumpara noong 2016. File

MANILA, Philippines - Nakaumang ang ikatlong pagtataas sa presyo ng petrolyo sa bansa ngayong darating na linggo.

“Domestic prices of gasoline, diesel, and kerosene may increase by about P0.60 per liter, P0.90/liter, and P0.95/liter, respectively,” ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella.

Sinabi rin ng kalihim na maaari pang magbago ang itataas na halaga depende sa pagtatapos ng pagtataya sa kalakalan ng krudo sa internasyunal na merkado at epekto nito sa lokal na pamilihan sa Pilipinas.

Sa kabila ng inaasahang bagong pagtataas, sinabi ng DOE na mas mababa pa rin ang halaga ng gasolina ng P.59 kada litro, diesel ng P.15 kada litro at kerosene ng P.76 kada litro ngayong taon kumpara noong 2016.

Huling nagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa nitong Mayo 23 ng P.65 kada litro sa gasolina, P.60 sa diesel at P.70 sa kerosene. Nitong Mayo 16, nagtaas naman ng P.30 sa gasolina.

Hindi naman maaaring magtaas sa presyo ng petrolyo at iba pang pangunahing produkto sa Marawi City na nasa ilalim ng State of Calamity.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with