^

Bansa

Joint session sa Martial Law giit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labag sa saligang batas ang ginawa ng Kongreso na hindi mag-joint session matapos na magdeklara ng Martial Law sa Mindanao si Pangulong Duterte.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon na agad at mandatory na mag-joint session ang Kamara at Senado at hindi ito maaaring iwasan.

Sabi ni Lagman, na binigyan ng 48 oras ang Pangulo para magreport sa Kongreso tungkol sa kanyang deklarasyon ng martial law kaya hindi puwedeng mag-delay ang kongreso sa pag-convene sa joint session upang pag-aralan, i-assess at desisyunan kung ire-revoke ba o hindi ang deklarasyon.

Nakasaad din sa Kons­titusyon na kapag ang Kongreso ay wala sa sesyon, sa loob ng 24 oras matapos ang deklarasyon ng ML ay kailangan mag-convene “into a joint session”. 

Subalit sa ngayon ay mas lalong importante umano at urgent dahil ang Kongreso naman ay hindi nasa recess kundi nasa regular session.

Iginiit pa ng kongresista na dapat talagang mag-convene ang kongreso para malaman kung may tutol sa ML at hindi lamang ang liderato ng Kamara o Senado ang maaaring magdesisyon nito kundi mayorya ng mga mambabatas para malaman din ng taumbayan ang mga dahilan ng deklarasyon.

Maaari naman uma­nong kwestyunin sa Korte Suprema ang nasabing deklarasyon ng Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with