Partisipasyon ng foreign terrorists sa Marawi pinaiimbestigahan
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang partisipasyon ng mga dayuhang terorista sa Marawi siege.
Ayon kay Castelo, ang involvement ng mga napatay na Malaysian national na sina “Ustaz” Abdurah at Dr. Kamsa Yahya gayundin ang Indonesian na si Shei Ayman Marjuki at Saudi Arabian na si Sheikh Ahmad Belfaki ay dapat idulog sa Association of Southeast Asian Nations ASEAN.
Ito ay dahil sa ang insidente sa Marawi ay ang kauna-unahang pag-atake ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa Southeast Asia at ang mga napatay na miyembro nila ay iniuugnay sa Maute group.
Maaari na rin ikonsidera bilang international concern ang Marawi siege dahil sa pagkakasangkot ng mga dayuhang ISIS elements.
Paliwanag pa ni Castelo, maaari rin magbahagi ng impormasyon ang ASEAN para malutas ang banta ng terorismo sa bansa.
Bukod dito maari din magpasaklolo sa US ang bansa dahil sila ang may kakayahan laban sa banta ng terorismo lalo na kapag extreme situations na.
- Latest