^

Bansa

Death toll sa Marawi tumataas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Death toll sa Marawi tumataas

Umakyat na sa kabuuang 41 miyembro ng Maute group at 13 sa tropa ng pamahalaan ang nasawi sa pagpapatuloy na operasyon sa Marawi City. File

MANILA, Philippines - Umakyat na sa kabuuang 41 miyembro ng Maute group at 13 sa tropa ng pamahalaan ang nasawi sa pagpapatuloy na operasyon sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng Philippine Army’s 1st Infantry Division, ang 31 mga katawan ng mga miyembro ng Maute members ay narekober ng mga tropa, habang 13 sundalo ang nasawi, at 45 ang nasugatan.

Narekober din ng militar ang 16 na piraso ng mataas na kalibre ng armas mula sa mga bandido.

Samantala, ayon naman kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, ang walong bangkay na nakuha ay pawang mga sibilyan, karamihan ay kababaihan at isa o dalawang kabataan, na natagpuan nitong Sabado ng gabi.

Dagdag ni Padilla, nagsasagawa na ng surgical operation ang military para malinis ang siyudad sa miyembro ng Maute, na pinaniniwalaang nagpakalat ng snipers at kahit mga child warriors laban sa tropa ng pamahalan

Ang mga lokal na te­rorista ay naglunsad ng pag-atake sa siyudad nitong nakaraang Martes, sinunog ang mga paaralan, isang simbahan at city jail.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with