^

Bansa

Kongresista mag-aambagan para sa Marawi siege victims

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mag-aambagan ang mga kongresista mula sa iba’t ibang partido sa Kamara para makatulong sa mga biktima na naiipit sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang grupo na Maute.

Ayon kay House Deputy Speaker at Marikina Rep. Miro Quimbo, pangungunahan niya ang fund drive at maaaring magpasa rin sila ng multi-party resolution na otomatikong nagbabawas sa kanilang mga sweldo para sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi City gayundin para sa mga sundalo na namatay sa pakikipaglaban.

Tumanggi naman si Quimbo na stalwart ng Liberal Party (LP) na kaalyado ng supermajority sa Kamara na magbigay pa ng ibang detalye dito habang nakikipag-usap pa siya sa mga kasamahan sa Kamara.

Para naman kay Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna maaari din nilang kunin sa kanilang sariling bulsa ang pondo para makatulong sa mga taga Marawi City.

Sang-ayon din dito si Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Parañaque Rep. Gus Tambunting.

Subalit para kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin hindi pa napapanahon para magbigay ng tulong pinansyal sa nasabing lugar.

Giit ni Batocabe dapat munang malaman ang damage ng bakbakan sa Marawi City at magkaroon ng sistema kung paano masiguro na ang mabibigyan ng tulong ay tamang tao.

Sa ngayon ang dapat umanong gawin ay ilipat ang “generous spirit” sa milyong mahihirap na Pilipino na nasa urban at rural areas.

“We still will discuss concretely how we can help the people of Marawi. It has turn into a big humanitarian crisis with internally displaced persons in thousands.” ayon naman kay Villarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with