^

Bansa

Mga Kristiyano minamasaker ng Maute

Pilipino Star Ngayon
Mga Kristiyano minamasaker ng Maute

Sinasabing hinaharang ng mga armadong kala­lakihan ang mga sasakyan sa itinayong checkpoint ng Maute saka tatanungin kung mga Kristiyano o Muslim ang mga pasahero. Lawyer Maki Datu-Ramos

MANILA, Philippines - Minamasaker umano ng teroristang Maute group ang mga Kristiyano sa Marawi City.

Sinasabing hinaharang ng mga armadong kala­lakihan ang mga sasakyan sa itinayong checkpoint ng Maute saka tatanungin kung mga Kristiyano o Muslim ang mga pasahero.

Kapag mga Kristiyano ang lulan ng sasakyan ay raratratin umano kaagad at kapag Muslim ay palulusutin ng mga terorista.

Nabatid na 16 mga bangkay ng sibilyan ang natagpuang patay sa magkakahiwalay na lugar sa Marawi City.

Ayon kay Armed For­ces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nakita ang walong bangkay kahapon na pawang mga kababaihan at bata, may 300 metro malapit sa Mindanao State University.

Pawang nakasuot ng itim na damit at nakatali ang mga kamay ng mga lalaki na nakita sa bangin na wala nang buhay.

May karatula din umanong nakalagay sa mga ito na may nakasulat na “munasik” na nanga­ngahulugan na traidor o sinungaling.

Suspetsa ng mga otoridad, pinatay ng Maute ang mga kalalakihan matapos na magbigay impormasyon sa mga kinauukulan ukol sa pangyayari sa nasabing lungsod.

Sa ngayon aniya ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakilanlan ng nasabing mga biktima.

Samantala, umaabot naman sa mahigit 42,000 katao ang lumikas dahil sa nagpapatuloy na military operations sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng ARMM Crisis Management Committee, 42,142 katao ang kabuuang bilang ng mga nagsilikas magmula nang magsimula ang gulo sa Marawi City.

Kabilang sa nasabing numero ang 30,602 katao o 6,299 pamilya na nana­natili sa evacuation center at 11,540 “home-based internally-displaced persons.”

Bukod dito, 2,279 katao naman daw ang “stranded” sa 25 barangay sa Marawi City.

Sa ngayon ay hindi pa rin matiyak ang eksaktong bilang ng mga miyembro ng Maute group na lumusob sa Marawi City noong Martes. 

Samantala, ayon kay Tong Pacasum ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, problema nila ngayon ang mga pamilyang nagpapa-rescue sa lugar, dahil wala na umano silang makain. Ang naturang pamilya ay mga nagpa-iwan sa lugar nang magsimula ang giyera at dahil may kahirapan ngayon ang rescue operations ay namomroblema sila kung paano nila ito gagawin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with