^

Bansa

30 manggagawa naipit sa Marawi

Pilipino Star Ngayon

Pinaligiran ng Maute

ZAMBOANGA CITY, Philippines — May 30 civilian worker ang nanawagan na kagyat silang masagip dahil pinapaligiran sila hanggang kahapon ng mga militanteng Maute sa Marawi City, Lanao del Sur.

Tinawagan ng mga sibilyan ang kanilang mga pamilya at hiniling na iligtas sila ng puwersa ng pamahalaan mula sa mga militanteng Maute.

Isa sa mga sibilyan na si Romar Maralino ang tumawag sa kanyang asawa at sinabing napapaligiran sila ng Maute group na nagtatangkang pumasok sa isang gusali sa Rajah Madaya Perez Street sa Marawi City.

“Ngayong tanghali, tumawag ang mister ko, nakikiusap na mailigtas agad sila dahil pinapaligiran na ng mga terorista ang gusali at winawasak ang gate para makapasok at kunin sila bilang bihag,” sabi ng asawa ni Romar na si Joy.

Sinabi ni Joy na ang kanyang mister ay kasama ng kapatid niyang si Romer at ibang kasamahan na sina  Michael Casimiro at Jimmy Esperat, na pawang mula sa  Marawi City. May 26 na iba pang obrero ang nakulong sa gusali.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Western Mindanao Command na si Capt. Jo-Ann Petinglay na inalerto na ang ground forces para sa rescue.

Idinagdag ni Petinglay na  tinututukan ng mga sundalo ang mga partikular na lugar na kinasasadlakan ng mga militante. (Roel Pareno)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with