^

Bansa

Ika-limang round ng peace talks kinansela ng gobyerno

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagdesisyon kahapon ang gobyerno na kanselahin na ang ikalimang round ng peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front dahil na rin sa kautusan ng lider ng CPP na pag-ibayuhin ang kanilang paglaban sa gobyerno sa gitna ng deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

 Ang pagkansela sa usapang pangkapayapaan ay inihayag ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza.

Ipinunto rin ni Dureza ang patuloy na pag-atake ng NPA ay naglalagay sa alanganin sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.

 Tiniyak rin ni Dureza na hindi magpapatuloy ang nakatakda sanang ika-limang round ng peace negotiations hangga’t walang malinaw na indikasyon na makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng negosasyon.

Nakatakda sanang ganapin ang ika-limang round ng peace talks sa Netherlands sa Mayo 27 hanggang Hunyo 1.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with