^

Bansa

Censure sa social media ipatutupad sa Mindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng ipatupad ang pag-censure lalo na sa social media sa buong Mindanao na nasa ilalim ng martial law matapos ang pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City, Lanao del Sur. 

“The military will exercise its right to censure to ensure the safety of lives of the public and that sensitive operational information do not get into the wrong hands and for other national security considerations,” pahayag ni AFP at Martial Law spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla. 

Kasabay nito, tiniyak naman ni Padilla na paiiralin ng militar ang pagrespeto sa karapatang pantao at magiging mahigpit lamang laban sa mga nasasangkot sa rebelyon o pananakop.

Ang buong Mindanao ay isinailalim ni Pangulong Duterte sa martial law matapos ang pag-atake ng Maute na may mga kasamang dayuhang terorista sa Marawi City noong Mayo 23 kung saan ay nanunog, nanghostage at pumaslang ng mga sibilyan.

Nilinaw naman ni Pa­dilla na hindi pa nila inirerekomenda ang pagsuspinde sa ‘freedom of expression’.

Ayon kay Padilla, ang karapatan sa pag-censure ay para sa kaligtasan ng buhay lalo na ng mga si­bilyan, pangalawa upang tiyakin ang seguridad sa operasyon, kaligtasan ng security forces na nakikipagbakbakan sa mga terorista at maging sa pambansang seguridad.

Binigyang diin pa ni Padilla na ang pagdedeklara ng martial law ay upang mapanumbalik ang law and order at umiral ang batas.

Nauna rito, nanawagan si Col. Egardo Arevalo, public affairs office chief ng AFP, sa mga netizens sa Marawi City na iwasan ang pag-post sa social media na lalong magpapalala sa sitwasyon sa Marawi City.

Wika ni Col. Arevalo, hindi rin nararapat na i-post sa social media ng mga netizens ang nakukunan nilang litrato ng panakaw hinggil sa posisyon ng mga military na nagsasagawa ng operasyon laban sa Maute group.

Aniya, maglalagay lamang ito sa kapahamakan sa mga government forces dahil posibleng malaman ng mga kalaban ang ki­naroroonan ng mga go­vernment forces dahil sa positing ng litratong ito ng mga sundalong nasa Marawi City.

Binigyang-diin pa ni Padilla, ang magiging administrator ng Martial Law ay si Defense Sec. Delfin Lorenzana na siyang maglalatag ng mga guidelines.

Iginiit pa ni Padilla, walang dapat ikabahala o ipag-alala ang mga law-abiding citizens sa Martial Law dahil ang target lamang naman nito ay lipulin ang Maute group at Abu Sayyaf group na siyang naghasik ng terorismo sa Marawi City.

Kinumpirma din ng AFP na nagpaabot ng full cooperation sa gobyerno sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao ang MNLF at MILF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with