US sumuporta sa Pinas vs Maute
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Malacañang ang ginagawang pagsuporta at pagtulong ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas laban sa Maute group sa Marawi City.
Pero tumanggi si Presidential Spokesman Ernesto Abella na idetalye kung ano ang specific na tulong ang ibinibigay ng US.
Kasabay nito, binasa rin ni Abella ang mensahe ng White House Press Secretary na nakikiisa ito sa Pilipinas at kinondena ang pinakabagong karahasang ginawa ng ISIS-linked terrorist group sa Marawi City.
Tiniyak daw ng US official ang patuloy na pagbibigay suporta at assistance ng Washington sa counter-terrorism campaign ng Pilipinas.
Magugunitang mahigpit na binabatikos ni Pangulong Duterte ang US dahil daw sa pakikialam nito sa internal affairs ng Pilipinas lalo sa pagpuna nito sa anti-drug war ng kanyang administrasyon.
“Also, the Press Secretary of the US has expressed solidarity with the Philippines and condemns the recent violence perpetrated by an ISIS-linked terrorist group in Marawi in Southern Philippines and he stated that the US will continue to provide support and assistance to Philippine counter-terrorism groups.
This was stated in general terms so I cannot divulge any specifics,” binigyang-diin pa ng presidential spokesman.
- Latest