^

Bansa

Duterte sa militar: Mananalo tayo!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa militar: Mananalo tayo!

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, gagamitin ng gobyerno ang lahat ng assets ng military sa pagsagupa sa Maute group na simula pa noong Martes naghahasik ng terorismo sa Marawi City. File

MANILA, Philippines - Siniguro ni Pangulong Duterte sa mga sundalo ng 2nd Mechanized Infantry Batallion ng Philippine Army sa Iligan City, Lanao del Norte na walang dahilan upang matalo ang gobyerno sa laban nito sa Maute group na naghasik ng terorismo sa Marawi City.

Sinabi ni Pangulong Duterte, gagamitin ng gobyerno ang lahat ng assets ng military sa pagsagupa sa Maute group na simula pa noong Martes naghahasik ng terorismo sa Marawi City.

Ipinaliwanag pa ng Pangulo sa mga sundalo na napilitan siyang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao dahil sa banta ng ISIS.

“Basta we are going to fight every day until the problem is solved. Let’s just pray for our policemen na wala sana tayong tama. We will try our very best na magamit lahat (armas) para maprotektahan kayo,” wika ng Pangulo sa mga sundalo.

Wika pa ni Duterte, kung madadala naman sa pag-uusap ang Maute group at magbaba sila ng armas ay handa siyang makipag-usap sa mga ito.

“If you cannot be convinced to stop fighting, away na lang tayo. Sana madala pa natin ito sa usapan, but if you cannot be convinced to stop fighting, then so be it,” dagdag pa ng Pangulo.

“Ang utos ko sa tropa, lahat ng tao na di authorized ng gobyerno na magdala ng baril at lumaban, patayin ninyo. Ubusin nalang. If they want to talk, I will be most thankful to Allah. Kung maglaban sila, wala tayong magagawa. Go for it,” giit pa ng Pangulo.

Anuman ang maging ‘consequences’ ng Martial Law, “I and I alone, will be responsible,” sabi ng Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with