^

Bansa

Mga ADDA violators ‘lusot’ na

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa mahigit 200 na motorista na nahuli sa “non-contact apprehension policy” ang hindi na papatawan ng paglabag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos suspendihin ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act o pagbabawal nang paggamit ng mobile phone at anumang uri ng electronic gadgets habang nagmamaneho.

Sa record ng MMDA, nabatid na sa unang arangkada ng pagpa­patupad ng ADDA nitong mga nakaraang araw, nabatid na nasa mahigit 200 motorista ang lumabag dito sa pama­magitan ng “non-contact” apprehension policy o nakuhanan sila ng CCTV camera ng MMDA Metro Base.

Sa kabila ng suspensyon ng ADDA, ayon sa MMDA, binalaan pa rin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga motorista na huwag na lamang gumamit ng mobile phone at anumang uri ng electronic gadgets habang nagmamaneho  para maiwasan ang aksidente sa kalsada.

“Ang instruction ng DOTr is kung may nakikita sa CCTV na nagte-text ay i-warning na lang ng enforcers on the ground,” ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with