^

Bansa

Libreng internet sa pampublikong lugar, isang pirma na lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pirma na lang ang kailangan upang maging ganap na batas ang panukala tungkol sa libreng internet sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kailangan para ma­ging ganap na batas ang panukala na niratipikahan ng Senado ang pinal na bersiyon.

“Isang pirma na lang po at magiging batas na ito. This measure will empower Filipinos with internet access to education, information, jobs and business,” ani Sen. Aquino.

Naniniwala ang senador na malaki ang maitutulong ng panukala para mas maging maayos ang internet sa bansa na pinakamabagal sa Asya.

Naratipikahan na rin ng Kamara ang pinal na bersiyon na ipadadala sa Malacañang para sa pirma ni Pangulong Duterte.

Layunin ng panukala na lagyan ng libreng internet access sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, pampublikong paaralan, pampublikong transport terminals, pampublikong ospital at pampublikong library.

Sa ilalim ng panukala, aatasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bumuo ng plano sa pagpapatupad ng programa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with