^

Bansa

ASEAN Regional Forum sa Pinas, itinuloy

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng deklarasyon ng Martial Law at patuloy na kaguluhan sa ilang parte ng Mindanao ay natuloy ang senior officials meeting ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ginanap sa Manila kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkita-kita ang senior officials ng ASEAN Regional Forum (ARF) nitong Mayo 25 sa Manila at kanilang tinalakay ang mga pamamaraan upang mapatatag ang kanilang kooperasyon sa paglaban sa non-traditional security threats kabilang ang cybercrime, terorismo, at bayolenteng ekstremismo, trafficking in person at illicit drugs, ang proliferation o paggamit ng kemikal, biological, radiological at nuclear weapons at usapin sa natural disaster.

Sinabi ng DFA na nagsilbing chairman sa nasabing pagpupulong ang kinatawan ng Pilipinas na si Assis­tant Secretary Hellen Barber-De La Vega, ang Philippine Acting Senior Officials’ Meeting (SOM) Leader for the ARF, kung saan nagbigay at nagpalitan sila ng mga pananaw tungkol sa mga kaganapan sa South China Sea at ang tensyon sa Korean Peninsula, kasama na rin ang isyu ng pamimirata at armed robbery sa mga barkong naglalayag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with