^

Bansa

Pagbubukas ng klase sa Mindanao, tuloy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng klase sa Mindanao, tuloy

“The opening of classes in public elementary and high schools, including those in Mindanao, will push through on June 5 as scheduled,” pahayag ng DepEd. File

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Mindanao sa Hunyo 5, sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa Marawi City kasunod nang pagsalakay doon ng Maute group.

“The opening of classes in public elementary and high schools, including those in Mindanao, will push through on June 5 as scheduled,” pahayag ng DepEd.

“The Department of Education further emphasizes that schools will not be used as evacuation centers. In Marawi City, the provincial capitol and the Mindanao State University (MSU) will serve such purpose,” dagdag pa nito pa.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng kagawaran ang lahat ng sektor na tiyakin ang ‘neutrality’ at kaligtasan ng mga paaralan at maging ng mga temporary learning spaces bilang mga ‘zones of peace’ o lugar ng kapayapaan.

Umapela rin ang DepEd na huwag idamay sa anumang kaguluhan, karahasan, intimidasyon at pagbabanta ang mga mag-aaral, mga guro at mga personnel ng mga paaralan.

Nauna rito, sinalakay ng Maute ang Marawi City sanhi upang magdeklara na ng Martial Law si Pangulong Duterte sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with