^

Bansa

120 hostage ng Maute nasagip

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
120 hostage ng Maute nasagip

Kinumpirma naman ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesman ng Philippine Army’s 1st Infantry Division (ID) na limang sundalo ang nasawi at 31 pa ang sugatan. Nalagasan din ng 13 ang hanay ng Maute at marami pa ang nasugatan. File

MANILA, Philippines - Umaabot sa 120 sibil­yan na hinostage ng Maute terrorist group ang nasagip ng tropa ng mga sundalo matapos salakayin at okupahin ng grupo ang mga gusali sa lungsod ng Marawi nitong Martes ng hapon.

Kinumpirma naman ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesman ng Philippine Army’s 1st Infantry Division (ID) na limang sundalo ang nasawi at 31 pa ang sugatan. Nalagasan din ng 13 ang hanay ng Maute at marami pa ang nasugatan.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Chief Supt. Dionardo Carlos na kabilang sa mga nasawi sina Sr. Inspector Freddie Solar, isang Sr. Inspector Placido na taga-Baguio City, isa ang napugutan ng ulo na una nang isiniwalat ni Pangu­long Duterte habang dalawa pa ang sugatan. Bagaman may napaulat pang nadagdag sa mga nasawi, patuloy pa itong bineberipika.

Nabawi na rin ng tropa ng pamahalaan dakong alas-3 ng hapon kamakalawa ang Amai Pakpak Hospital na nauna nang kinubkob ng mga armadong Maute. Kabilang sa mga nasagip ay 78 sibilyan, walo dito ay mga pasyente, 49 construction workers at 21 mga staff ng ospital.

Ayon sa opisyal, sa pag-atake sa ospital ay pinaslang ng Maute ang isang opisyal ng PNP–Drug Enforcement Group at isang security guard ng ospital.

Nabawi rin ng mga sundalo ang Dansalan College habang nasa 42 guro na dumadalo ng seminar ang nailigtas matapos na ma-trap dito.

Nakuha rin ng mga sundalo ang iba’t ibang mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Devices sa isang safehouse na iniwan ng Maute. Dalawang bangkay ng mga miyembro ng Maute ang narekober naman ng militar at isang M16 rifle.   

Sinasabing kasama ng nasa 50 Maute terrorists na umabot pa ng mahigit 100 armadong miyembro ang lider ng Abu Sayyaf Group na si Radulan Sahiron na pakay ng opensiba ng mga sundalo.

Nagbunsod din ang insidente sa paglikas ng libong mga sibilyan na nagsitakas sa takot na maipit sa bakbakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with