^

Bansa

Mahihirap na stude sa QC, bibigyan ng school supplies

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 6,000 mga kabataan ng Quezon City na mula sa pinakamahirap na pamilya at anak ng mga single parents sa lungsod ang takdang biyayaan sa gagawing school supplies distribution ni Vice Mayor Joy Belmonte sa darating na May 30 at May 31.

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, ang programang ito ay taunang ginagawa upang matulu­ngan ang mga kabataang higit na nanganga­ilangan ng mga gamit sa paaralan.

May 1,000 school supplies at bags ang kaloob ni Belmonte sa bawat distrito ng QC mula district 1 hanggang district 6.

Ang hakbang ay bahagi ng Joy of Public Service ni Belmonte na layuning alalayan ang mga mag- aaral sa mga kailangang gamit pang-eskuwela ngayong nalalapit na pasukan sa Hunyo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with