^

Bansa

Tag-ulan na - Pagasa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unting pumapasok ang panahon ng tag ulan sa ating bansa kaya palagiang nararanasan ang mga pag-u­lan sa ibat ibang bahagi ng bansa laluna kung hapon o gabi.

Sa panayam kay Shirley Ignacio, weather specialist ng Pagasa, bagamat hindi pa full blown ang tag-ulan sa ating bansa ay maituturing na tag-ulan na dahil sa unti-unting pagpasok ng southwest monsoon.

Bunga nito, pinaalalahanan ang publiko na huwag kakalimutang magdala ng payong o kapote dahil sa tuwing tag-ulan kailangang mag-ingat dahil mara­ming sakit ang nararanasan tulad ng sipon, ubo, lagnat at trangkaso.

Pinaliwanag din nito na kung minsan kapag umuulan ay malagkit sa katawan ang panahon, ito ay dahil mahina ang pag-akyat ng water vapor kayat pinapa­wisan pa rin ang karamihang mga tao kahit may nararanasang pag-ulan na sa ating bansa.

Anya, wala naman silang inaasahang bagyo na papasok sa bansa ngayong magsisimula ang panahon ng tag-ulan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with