^

Bansa

UK may travel warning sa Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa tumitinding bakbakan sa pagitan ng militar at Maute terrorist group sa Marawi City at sa pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Duterte sa Mindanao, nagpalabas kahapon ng panibagong travel warning ang United Kingdom para sa kanilang mamamayan na tutungo o nasa Pilipinas.

Sa abiso ng Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng UK, pinapayuhan ang mga British nationals na umiwas na bumiyahe sa eastern at western Mindanao kabilang na Marawi City na may nagaganap na karahasan at bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute group na nagsasagawa ng pag-atake, panununog, pagpatay at pangho-hostage sa mga sibilyan.

Nagbabala rin ang FCO sa kanilang mga mamamayan na nasa Marawi na manatili sa kani-kanilang bahay at sumunod sa mga abiso ng Phl government.

Pinapayuhan din ng FCO ang mga Briton na huwag mag-travel sa Sulu archipelago dahil sa mataas pa rin umano ang terrorist activity sa lugar at nagpapatuloy ang sagupaan sa pagitan ng militar at insurgent groups. Maging ang lalawigan ng Cebu ay pinaiiwas na puntahan.

Iginiit ng FCO na anumang oras ay aatake ang mga te­rorista sa Pilipinas. Pa­tuloy din umano ang planong pag-atake ng mga teroristang grupo at may kapasidad sila na umatake sa kahit saang lugar tulad sa mga paliparan, shopping malls, public transport at mga simbahan sa Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with