^

Bansa

Digong humiling ng soft loan kay Putin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin kamakalawa ng gabi bago ito umuwi ng Pilipinas makaraang ideklara niya ang Martial Law sa Mindanao.

Hiniling ni Pangulong Duterte sa maiksing pag-uusap nila ni Pres. Putin na pagkalooban ng soft loan ng Russia ang Pilipinas upang makabili ito ng mga modernong armas makaraang kanselahin ng Amerika ang arms deal nito.

Sinabi din ng Pangulo kay Putin, may mga miyembro na ng ISIS ang nasa mga probinsiya sa Mindano at tumutulong sa mga local terrorist groups tulad ng Maute na siyang naghasik ng kaguluhan at terorismo sa Marawi City kamakalawa.

Ipinaliwanag din ni Duterte kay Putin na kailangan na niyang putulin ang kanyang official visit sa Russia dahil kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas dahil patuloy pa din ang bakbakan ng government forces sa mga ISIS members at Maute group.

Ang naging tugon naman umano ni Putin kay Duterte ay umaasa itong magkaroon lamang ng ‘minimum losses’ sa nangyayaring kaguluhan sa Mindanao.

Sinabi pa ni Putin, inaasahan niya ang economic at military cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Moscow.

Magugunita na nais ni Pangulong Duterte na bumili ng mga precision-guided bombs mula sa Russia upang gamitin sa ISIS at local terror group sa Mindanao bukod sa mga planong pagbili ng mga modernong baril at military equipment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with