^

Bansa

Gen. Año pinalawig ang termino

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalawig kahapon ni Pangulong Duterte ng 6 na buwan ang tour of duty ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año.

Nakatakda sanang maupo si Gen. Año sa June 2 bilang secretary of Department of Interior and Local Government (DILG) pero dahil sa pangyayari sa Marawi City ay nagdesisyon ang Pangulo na palawigin pa ng 6 na buwan ang kanyang tour of duty bilang AFP chief.

Nagdesisyon si Du­terte na magkaroon ng extension na 6 months si Año bilang AFP chief upang mapa­ngasiwaan nito ang military operations laban sa Maute group sa Marawi City.

Samantala, inihayag din ni Duterte na nakahan­da siyang magtungo sa Marawi City upang maki­pag-usap sa Maute group sa kondis­yon na dapat ibaba nila ang kanilang mga armas at itigil ang terorismo.

“I’m willing to go to Marawi anytime. Puro naman tayo Maranao so magkaintindihan naman tayo,” wika pa ng Pangulo basta handa anya sila sa usapang pangkapa­yapaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with