NAIA naka-red alert
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na ligtas sa mga riding public at normal ang international at domestic flights operations sa apat na terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero aniya nasa red alert sila para masiguro ang kaligtasan ng mga tao sa nasabing paliparan.
Ayon kay Monreal, lahat ng security protocol ay “in place” at tinitiyak niyang mahihirapan makapasok ang mga terorista na gustong maghasik ng gulo sa bansa para pabagsakin ang administrasyon ni Duterte at ang ekonomiya.
Nagbigay ng pahayag si Monreal kaugnay sa nangyaring insidente sa Marawi City pero tiniyak niya sa publiko na lahat ng mga pasilidad at instalasyon sa NAIA ay ligtas.
Pinayuhan ni Monreal ang publiko sa airport na maging mapagmatyag sa mga taong may kahina-hinalang kilos at agad i-report ito sa mga awtoridad oras na may napansin sila.
- Latest