Pari, sibilyan hawak ng Maute
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na isang pari, dalawa pang staff ng Simbahang Katoliko at iba pang indibidwal ang hawak ngayon ng grupong Maute, na iniuugnay sa teroristang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Kinilala ang kinidnap na pari na si Father Chito Suganob, kura paroko ng Our Lady of Help of Christians, staff na sina Wendelyn Mayormita na kalihim ng simbahan, isang Professor Nik-nik na Parish Council President.
Sa report na ipinarating kahapon ni Bishop Edwin dela Peña sa Army’s 1st Infantry Division (ID), naganap ang pagbihag kina Fr. Suganob habang nagno-novena sa nasabing simbahan dakong alas-6 ng gabi.
Sinasabing bukod sa pari ay binihag rin ang dalawa pang working students na sina Ma. Luisa Colina at Crispina Banrang at mga deboto ng simbahan na ginawang ‘human shield’ ng Maute.
- Latest